Isiniwalat ni “Ka Eric Celis” MARCOS-ROMUALDEZ NAKIPAGSABWATAN SA CPP-NPA-NDF PARA GULUHIN ANG ‘PINAS
TAHASANG ibinulgar ni Jeffrey “Ka Eric” Celis, dating kadre ng CPP-NPA-NDF, ang umano’y pakikipagsabwatan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr., at House Speaker Martin Romualdez, sa mga teroristang/komunista upang magpasabog ng kaguluhan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Sa pagtatanong ng political vloggers kay Ka Eric, pinatotohanan nito ang mga hari-harian at mga alipores na ginagamit nina Marcos at Romualdez para magpasabog ng kaguluhan ay mga aktibo at pinuno ng terorista/komunistang grupong CPP-NPA-NDF.
Aniya, number 1., kasabwat nila ngayon na pinupondohan at kanilang ginagamit bilang “attack dog” laban sa mga Duterte brand leadership at laban sa interest ng mamamayang Pilipino ay ang mga urban communist/terrorist operatives ng CPP-NPA-NDF.
Sinabi pa niya na number 1., si Cong. France Castro ng ACT-Teachers Partylist, na convicted criminal sa kasong Child Abuse at kailangang ikulong ito.
“Maraming salamat ha, sa inyong pagsuporta na ito si France Castro ay hindi ordinaryong tao, ito ay komunistang/teroristang convicted criminal wala siyang karapatan na magpakulong sa isang mamamayang Pilipino, lalo na ang Chief of Staff ni Vice President Inday Sara Duterte, so mga kababayan si France Castro ay isang alipores ng mga demonyong tagapagwasak ng ating bayan,” ani Ka Eric.
“Ang communist/terrorist group na CPP-NPA-NDF, so dapat lamang palayasin ito sa kongreso and convicted criminal, ang criminal convicted na hindi nahuhuli, hindi nakukulong pero ang inosenting mga tao kagaya ni Ka Eric, ni Maam Loraine Badoy, Atty. Lopez, at iba pang resource persons ay kaagad ipinapakulong ng mga balasubas at tarantadong mga alipores ni Martin Romualdez,” banggit pa ni Ka Eric.
Ayon pa sa kanya, number 2., na alipores ng CPP-NPA-NDF at kasabwat nila dun sa nagtatanong ngayon ni Marcos at ni Romualdez, upang guluhin ang bansa at walang iba kundi ang Kabataan Partylist na si Cong. Rauol Manuel ay recruiter ng NPA at si France Castro ay recruiter ng mga kabataan at mga guro na convicted ng Tagum Regional Trial Court sa Davao del Norte.
“So si Raoul Manuel ng Kabataan Partylist ay CPP-NPA-NDF operative din sa loob ng kongreso, No. 3, si Arlene Brosas, ng Gabriela NPA Lover Partylist. Ang mga taong ito si Brosas, si Rauol Manuel at si France Castro ay mga diehard full blooded communist terrorist, mga infiltrators sa gobyerno. Hindi natatakot si Ka Eric na sila ay ibulgar at ihayag sa mamamayang Pilipino, sapagkat sobra-sobra na ang ginagawang pangongonsinti at pakikipagsabwatan at paggamit sa mga teroristang/komunistang may mga kasalanan na utang na dugo sa mamamayan,” pagdidiin pa ni Ka Eric.
Dagdag pa niya, ang mga nabanggit na kongresista, ay sila ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang bayan for the last 55-years, sa ngayon ay ginagamit sila para atakihin, insultuhin at durugin ang mga integridad ng mga taong naglingkod sa lahat ng maayos sa bayan kagaya ni former President Rodrigo Duterte at ni Vice President Sara Duterte.
“So sa tanong kung totoo ba, buhay na buhay ang pakikipagsabwatan ng CPP-NPA-NDF sa ilalim ng Marcos-Romualdez and Marcos-Marcos-Romualdez, Ferdinand Marcos Jr., Liza Araneta-Marcos at Martin Romualdez yan ang primary sindikato,” paglalahad pa ni Ka Eric.
“No. 1 syndicate yun, ang 2nd layer ng mga sindikato itong mga CPP-NPA-NDF at mga grupo nila Trillanes at nila Hontiveros mga dilawan. Malinaw po mga kababayan na ito ay malaking conspiracy, ito po ang ibig sabihin ni tatay Digong Duterte kagabi. We have now a fractured government, saan ka nakakita ng mga mamamatay tao? Ang mga nagre-recruit na gawing mga terorista at komunista ang kabataan at mamamayang Pilipino na nang-aambush ng pulis at sundalo at mga nagnanakaw, nanununog at nambobomba ang mga komunista/terorista ay kasabwat ngayon ng gobyerno para manatili sila sa poder, si Marcos at si Romualdez, kalokohan! So ito dapat ay ibunyag, ito dapat ay panindigan natin kung bakit tayo nandito nagtipon-tipon sa EDSA Shrine,” paliwanag pa ni Ka Eric.
Napatunayan naman ng grupong MAISUG na nagsagawa ng protest rally noong nakaraang Marso 28 na sinabotahe sila ng makakaliwang grupo matapos na unahan sila ng grupong Gabriela na nagsagawa ng kanilang aktibidad sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Walang nagawa ang grupong MAISUG kundi magtungo na lamang sila sa Plaza Miranda na napunta sila sa Mendiola malapit sa Palasyo ng Malakanyang na kalaunan ay pinaalis din sila ng mga pulis pagdating ng hatinggabi na kung saan ay nakabalik din sila sa Liwasang Bonifacio.
Nagsagawa ng rali ang libu-libong katao sa Mendiola, Maynila upang ipakita nila ang kanilang pagkadismaya sa BBM administration sa pagpapadala nito kay President Duterte sa The Hauge, Netherlands at pagbati na rin nila sa ika-80 taong kaarawan ng dating pangulo. (RoadNews Investigative Team)
