Philippine Madrigal Singers, inspirasyon ng organizer ng Palawan International Chour Summit
DATING aktibong kasapi ng Philippine Madrigal Singers, kilala rin sa tawag na Madz, si Robert Delgado, ang tagapag-organisa ng Palawan International Choral Summit o kilala rin sa tawag na Palawan International Choir Festival o PICF.
Gaganapin ang eksibisyon at paligsahan sa ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto, 2025 sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Para kay Robert, inspirasyon niya ang pagtatampok sa international choral summit at festival sa pamamagitan nito at ang pagiging dating miyembro niya ng Madz.
“Nakaka-inspire ang pagdami ng choral group sa Pilipinas at sa ibang bansa kaya naisipan kong magtayo ng Palawan International Choral Festival at Choral Summit,” pahayag ni Delgado.
Para makasali, mag-log on sa www.nafci.com kung sa national exhibition at competition at www.ppicf.com sa international contest.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on www.nafci.com o mag-email sa filipinochoirs@gmail.com
(Boy Villasanta)