Kuntodo ang training ng Bodies Next Gen, makalusot naman kaya?

HALOS wala nang tulog ang peryodistang pampelikula at trainor na si Obette Serrano dahil sa pagtutok sa bagong all-female sing and dance group na Bodies Next Gen kahit na katuwang pa niya sa pagsasanay sa mga babaing ito ang direktor na si Arman Reyes.

“Kailangang disiplinado ang mga talents. Hindi puwedeng pawardi-wardi lang,” pahayag ni Obette.

Kasi nga’y isang hapon ay nadatnan namin si Serrano na nililektyuran ang mga Bodies Next Gen.

Panay ang paalala ni Obette na maging propesyunal ang mga talentong tulad nila.

Kaharap pa naman ng mga babaing ito ang aktor at ditektor na si Efren Reyes, Jr.

E, mabusisi rin si Efren sa disiplina.

Nagmamasid lang naman si Marynette Gamboa sa isang sulok dahil siya man ay nag-aasam na maging mahuhusay at palaban ang kanyang mga alaga.

“It’s their game. They should play it well,” sabi ni Marynette ng Water Plus Productions.

(Boy Villasanta)