1st Semester ng Barangay Assembly 2025

ISINAGAWA SA BARANGAY LONGOS, SAN CARLOS CITY, PANGASINAN

MARCH 30, 2025, araw ng Linggo, ay isinagawa ang unang semestre ng Barangay

Assembly sa Barangay Longos, San Carlos City, Pangasinan.

          Nagkaroon ng maikling programa, pagpapakilala sa mga pamunuan at pagbibigay ng importansya sa mga mamamayan ng barangay at sa mga opisyales nito sa pangunguna ng Punong Barangay Anthony Magallanes. Sumunod ay ang (SOBA) o State of Barangay Address ni P/B  Anthony Magallanes, na  kanyang inisa-isa ang mga nagawa ng kanyang panununugkulan bilang Kapitan ng barangay ng halos dalawang taon pa lamang,

Una, ang paglalagay ng mga Solar Lights sa bawat purok ng barangay na sa Nobyembre ay matatapos na. Aniya pa, bukod sa makatitipid na sa kuryente ay magkakaroon pa ng maliwanag na kalsada sa bawat purok. Gayundin, nagpalagay rin siya ng Jetmatic pump, upang magkaroon ng malinis na tubig na mapagkukunan sa araw-araw ang mga naka-duty sa barangay.

Samantala,  iprinisinta rin ni Kapitan Magallanes ang matatapos nang eskwelahan sa barangay na ang lupa na pinagpatayuan nito ay donasyon ni Mayor Ayoy Resuello. Ang nasabing eskwelahan ay magdudulot ng malaking ginhawa sa mga estudyante sa barangay na hindi na mapapalayo sa kanilang papasukang paaralan.

Pahayag din ni Kapitan Magallanes na palaging transparent ang kanilang budget ng barangay at palaging nakapaskil sa Bulletin Board ng kanilang barangay expenses, para medaling malaman ng mga taga-barangay kung paano ginagastos ang IRA (Internal Revenue Allotment). Dahil dito maiiwasan ang corruption sa kanilang administration.

Binigyan din ng pagkakataong magsalita ang Principal ng Central II Elementary School na si Mr. Ailvin Poquiz para sa mga dukumento upang maging satellite ang itinatayong eskwelahan sa Barangay Longos, na kanyang pinuri ang idudulot nitong kaginhawahan sa panig ng mga mag-aral at sa kanilang mga pamilya. 

(Edizon Cancino)