Mayor ng Bauan, Batangas Arestado
ARESTADO si Bauan, Batangas Mayor Ryanh Dolor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong umaga ng Huwebes, Marso 27, 2025, matapos ang kanyang pagbabalik mula sa Amerika.
Ang kanyang pagkaka-aresto ay kaugnay ng contempt order na inilabas ng House Committee on Public Accounts dahil sa hindi nito pagdalo sa ilang mga pagdinig na ipinatawag ng Kongreso.
Ayon sa Facebook post ni dating Congressman Raneo Abu, kinumpirma nito na hawak na ng Kongreso si Mayor Dolor, matapos siyang salubungin ng mga pulis sa NAIA. Ang pagkakadakip ay naging maayos at walang nangyaring pwersahan sa paliparan.
Matatandaan na una nang pina-contempt si Mayor Dolor dahil sa hindi pagdalo sa mga nakaraang pagdinig ng Mababang Kapulungan. (Tito Lucas)
