PBBM: 115 Filipinos sa UAE laya na!

NAGPAABOT ang palasyo ng Malacañang ng pasasalamat kay United Arab Emirates President Shiekh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.

Pinagmalaki ng pangulo na resulta ito ng magandang ugnayan ng pamahalaan ng Pilipinas sa liderato ni President Al Nahyan ng UAE.

Katunayan, sabi ni Pangulong Marcos, noong nakaraang taon, umabot sa 143 Filipinos noong panahon ng El Adha samantalang  220 naman sa selebrasyon ng National Day, ang naunang ginawaran ng pardon ni Pres. Al Nahyan.

Sabi pa ng Pangulo, bunga ito ng magandang standing ng Pilipinas sa cooperation pagdating sa international relationship.

Iginiit din ng Palasyo na mas lalo pang pagbubutihin ang ugnayang panlabas sa  iba’t-ibang bansa para muling mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga pamilya ng mga OFW na nahatulan ng hukuman sa bansang kanilang kinaroroonan.

            (Joseph Suguitan)