PBBM PINANGUNAHAN ANG PAGKONDENA SA MAHIGIT PhP3.26B HALAGA NG SMUGGLED VAPE
PINAGUNAHAN mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkondena sa mahigit Php3.26 Bilyong halaga ng mga smuggled vape noong April 7, 2025, sa Bureau of Customs (BOC) sa South Harbor, Lungsong ng Maynila.
Nasa 2,977,925 piraso ng nasamsam na smuggled electronic cigarettes, vape parts and accessories, na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit PhP3.26Bilyon, ang kinondena sa harapan ng publiko. Patunay lamang na mahigpit ang administrasyon sa paglaban sa ipinagbabawal na kalakal at pagprotekta sa kalusugan ng publiko.
Kasama ng pangulo si BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na iginiit ang presensya ng kagawaran sa pagsugpo sa mga ganitong uri ng illegal na aktibidad, “These products not only violate Customs laws but pose serious risks to consumer’s health. Today’s condemnation is a clear message to smugglers that the government is relentless in its pursuit of unlawful trade,” banggit ni Commisssioner Rubio.
Sinaksihan din ang aktibidad na ito nina Hon. Ralph G. Recto, Secretary Department of Finance (DOF); Hon. Ma. Cristina Aldeguer-Roque, Secretary of Department of Trade and Industry (DTI); at Atty. M. Marcus N. Valdes II, Supervising Head of the Office for the Special Mandate on Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products (OSMV)
Ang mga nasamsam na epektos ay bunga ng isinagawang sampung operasyon sa buong 2024 sa mga magkakaibang lugar sa Metro Manila. Pinangunahan ito ng Manila International Container Port (MICP), Port of Manila (POM) at ng BOC Intelligence Group, na gumanap ng mahalagang papel sa pagtukoy at pagharang sa mga illegal na kargamento.
Sa kabuuan, ang sampung operasyong ito ay nagbunga ng PhP2.36 Bilyong halaga ng mga smuggled na produkto ng vape. Nag-aambag ito sa mas malaking anti-smuggling campaing ng BOC, na nakapagtala ng 48 matagumpay na operasyon noong 2024, na nagresulta sa pagkasamsam ng PhP6.658 Bilyong halaga ng ipinagbabawal na produkto. Sa unang quarter ng 2025, naharang ng kagawaran ang karagdagang PhP483.117 Milyong halaga ng illegal na vape products
Ang tagumpay ng BOC ay nakapag angkla sa isang multi-prolonged na diskarte na kinabibilangan ng local at international collaboration, advance intelligence gathering sa pamamagitan ng Risk Management and Cargo Targeting Systems nito. Ang legal na pagpapatupad ng Letters of Authority sa ilalim ng Custom Modernization and Tariff Act (CMTA), at mas mahigpit na port control measures.
Ang inisyatibang ito ay nakaayon din sa Republic Act No. 11900, o ang Vaporized Nicotine Products Regulation Act, na nag-uutos sa regulasyon at pagbubuwis ng mga naturang produkto. Sa patnubay ng Pangulo, patuloy na inuuna ng BOC at iba pang ahensiya ng gobyerno ang mga aksiyon na direktang makikinabang ang bawat Pilipino, kabilang ang kanilang kalusugan, kaligtasan, at integridad ng ekonomiya.
(Darwell Baldos)
