‘Di mahulugang karayom sa dami ng tao! HOUSE-TO-HOUSE CAMPAIGN NI CONG. FIDEL NOGRALES
DINAGSA ng libu katao mula sa mga residente ng Montalban, ang nakiisa at sumama sa isinagawang house-to-house campaign ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles sa Brgy, San Jose ng nasabing bayan noong Abril 5, 2025.
Dakong alas-2 ng hapon nang magsimulang magtipon-tipon ang supporters ni Cong. Nograles sa Kasiglahan Church, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Montalban, Rizal, bago tumulak para mag-ikot sa house-to-house campaign ng batang mambabatas.
Hindi pa man nakalalayo ang house-to-house campaign ni Nograles ay pansamantalang huminto ito para paunlakan ang isang lider ng simbahan sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, na nag-alay ng dasal sa mambabatas para basbasan siya ng Panginoon at maging ligtas siya habang naglilingkod sa mga residente ng Montalban.
Mula sa mga senior citizens, kabataan, estudyante, kalalakihan, kababaihan at mga negosyante na pawang mga residente ng Montalban, ang nagsakripisyo at halos hindi mahulugan ng karayom sa dami ng sumama at nakiisa sa house-to-house campaign ni Nograles.
Kasama rin sa house-to-house campaign ng mambabatas ay ang d
Drum and Lyre ng ilang estudyante at scholar ni Cong. Fidel Nograles sa ilalim ng kanyang scholarship program na Future Natin (FN) at ilang motorcycle group.
Sa panayam ng ROADNEWS sa ilang nakikiisa at sumama sa house-to-house campaign na ipaglalaban nila at titiyakin nilang muling mananalo si Nograles sa halalan dahil malaki ang tulong nito sa kanila.
Anila, mula pa nu’ng nagkaroon ng pandemya na COVID-19, na sa kabila ng panganib na posibleng mahawaan siya ng virus ay hindi nito pinansin, ay ipinagpatuloy pa rin ni Nograles na hatiran ng ayuda ang mga residente saan mang barangay sa Montalban.
Ayon pa sa kanila, kahit na ipinasara ang District Office ng mambabatas ng mga katunggali niya sa pulitika, at ginugulo ang kanyang mga aktibidad na may kinalaman sa pagtulong sa mga residente ng Montalban, ay hindi nagpatinay ang mambabatas at ipinagpatuloy pa rin niya ito.
Matatandaan na tinuran ng mambabatas na hindi siya patitinag sa kanyang ginagawang pagtulong sa kanyang mga kababayan na kahit harangan pa siya ng tabak nino man, ay hindi siya magpapatinag sa mga ito.
Sa katunayan, ang nasabing isinagawang house-to-house campaign ng mambabatas sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose ay muling tinangkang isabotahe matapos na may mambato sa kanila.
Sa kabila ng mga nabanggit na panggugulo ay lalo pang lumalakas ang hatak ng simpatiya si Nograles mula sa mga residente ng Montalban.
Pagtatapos ng house-to-house campaign ni Nograles, dakong alas-5 ng hapon pagdating nila sa harapan ng Primemark Town Center sa Kasiglahan Villlage, Brgy. San Jose ay nakaabang na sa kanila ang libu-libong residente ng Montalban na kung saan nagbigay ng pananalita ang batang mambabatas.
Pinasalamatan ni Nograles ang mga taga-Montalban sa kanilang walang sawang pagsuporta sa kanya, kung kayat tiniyak nito na ipaglalaban niya ang kapakanan ng Montalbeño sa pagbabalik niya sa Kongreso.
Kabilang sa mga ipinaglalaban ni Cong. Nograles bilang chairman ng House Committee on Labor and Employment ay makabuo ng maraming trabaho, kabuhayan, edukasyon at kalusugan at iba pang benepisyo para sa mga taga-Montalban.
(ROADNEWS Reportorial Team)
