Extra-Service hatid ng TangerineTeam ng Baguio POSD
Baguio City | Nasaksihan natin kamakailan ang mga kung tawagin natin ay extra-service na ginawa at ginagawa ng Tangerine Team ng Baguio City POSD sa pangunguna ni Team Leader Allan Faustino.
Isa na rito ang pagtulong ng Tangerine Team sa mga vendors ng Livestock Section ng Baguio City Public Market noong April 29, 2025 ng hapon. Sa Livestock Section ng Baguio City Public Market na ito makakabili ng mga live na manok. Kinakailangang mai-flushing ng tubig na may chorine ang mga dumi upang mawala ang mabahong amoy at maging presentable at kaaya-aya ito sa mga mamimili at mga kliyente.
Nasaksihan din natin ang pag clearing ng TangerineTeam sa mga nakalaylay na kawad o cable wires mula sa poste sa Upper QM. Dahil sa natanggap na reklamo mula sa isang concern citizen, minabuti ng Team na sila na ang magsagawa ng clearing operation.
Maging ang pagsasaayos ng mga sirang sidewalk railings sa Easter Road ay kanila ring isinagawa dahil may mga skilled members naman ang Tangerine Team, hindi na nila ito ipinasa pa sa barangay, sila na mismo ang kumumpuni sa sirang railings sa lugar.
Maging sa maliliit na bagay tulad ng pamumulot ng nakakalat na basura balat ng kendi at iba pa at pagsisilid nito sa mga tamang lagayan, pati na rin ang pagtulong sa mga mamimili sa pagbubuhat ng kanilang mga pinamili at paglalagay sa baggage compartment ng sasakyan ay hindi pinalagpas ng mga myembro ng Tangerine Team.
Masaya silang ginagawa ang mga extra-service na ito na walang inaasahang kapalit.
Para sa inyong mga concerns maaring tumawag o mag text sa bagong Mobile Hotline ng Baguio City Public Order and Safety Office 09660812444.
(Villy Vallejo)
