Karambola sa SCTEX… 12 KATAO NASAWI, HIGIT 20 SUGATAN
AYON sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Tarlac, labindalawang katao ang nasawi, kabilang ang anim na bata, at mahigit 20 iba pa ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa bahagi ng SCTEX malapit sa Tarlac City Toll Plaza noong May 1, 2025.
Sangkot sa aksidente ang isang Toyota Veloz na minamaneho ni Carlo Mojica, residente ng San Fernando City, Pampanga, isang 18-wheeler trailer truck na minamaneho ni Darwin Cruel ng Tondo, Maynila, isang Nissan Urvan, Kia Sonate, at pampasaherong bus na Solid North na may plakang UVK-941 na minamaneho ni Teodoro Marjan ng Malawa, Lingayen, Pangasinan.
Nangyari ang aksidente matapos araruhin ng rumaragasang bus ang mga sasakyan nakapila sa likod ng trailer truck habang nag-aantay upang magbayad ng toll. Nagmistulang palamang naipit at wasak na wasak ang van at kotse na naging sanhi ng pagkamatay ng mga biktima. Ayon sa inisyal na ulat nakaidlip umano ang driver ng bus na si Marjan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Solid North bus, at patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil dito.
Kaalinsunod ng naturang aksidente, agad ipinagutos ni DOTr Sec. Vince Dizon sa LTFRB ang agarang pag-issue ng suspension order laban sa Solid North bus.
(Weng Torres)
