Likhang-sining ng pintor na si Francis Tanseco kay Nora Aunor, finalist sa New Tork art contest

BAGAMAT sa pagitan ng 2003 at 2005 nilikha ng visual artist na si Francis Tanseco ang mga paintings tungkol kay Nora Aunor, laging bago ang isang obra maestra.

   Kaya hindi nagdalawang-isip si Francis na ipasok sa “Art Collide,” isang digital art competition na nakabase sa New York sa Amerika.

   Kaya kalahok na ang “Filipinism, La Aunor, Woman” sa 2025 “Spring Open Theme” at umaasa si Francis na siya ay magwawagi sa timpalak.

   Ang mga gawa ni Tanseco kay Aunor bilang musa ay naitanghal na sa United Kingdom.

   Naipalabas na rin ang mga ito sa Luneta Park.

   Pero laging bago ang esensiya ng mga likhang-sining ni Francis na isa ring nars na nagtatrabaho sa US ngayon.    Tribute din ang mga painting na ito para kay Nora.

(Boy Villasanta)