Magtago na kayo, babalik na ako – Isko Moreno

ANG mga katagang ito ang ipinahayag ni Manila Mayoral Candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso na siya ay babalik at dapat magtago na ang mga kalaban niya ay nagsilbing babala ni Yorme sa mga “tolonges” sa lungsod ng Maynila.

Mataandaaang sunod-sunod ang mga karahasang nangyayari sa Lungsod, gayundin ang mga napapanood sa social media na mga nakawan sa kahabaan ng Road 10, mga illegal parking, at kung anu-ano pa.

Nangako si Moreno na ibabalik nya ang gobyerno sa lungsod ng Maynila at hindi aniya maaring maghari-harian doon ang mga ‘tolonges’

Si Isko ay nangunguna pa rin sa pinakahuling survey ng OCTA Research. Ayon sa OCTA, dahil malapit na ang May 12 at hindi na sapat ang panahon para makahabol ang mga katunggali sa mayoralty race ay imposible nang maungusan pa si Domagoso kahit pa gumamit ang mga kalaban ng “Black Propaganda”.

“Cleanliness, orderliness, peace and order. Overall ito ang rason bakit preferred si Mayor Isko,” sabi ni Prof. Ranjit Rye, founder at President ng OCTA Research.

(Joseph Suguitan)