Ombudsman, Inatasan sina Marbil, Torre, Jonvic at Crispin Remulla, at Lacanilao na Magsumite ng Counter-Affidavit
Inatasan ng Office of the Ombudsman sina PNP Chief General Rommel Marbil, CIDG Chief Nicolas Torre III, DILG Sec. Jonvic Remulla, DOJ Secretary Crispin Remulla, at Philippine Special Envoy on Transitional Crime Ambassador Marcus Lacanilao na magsumite ng kanilang mga counter-affidavit kaugnay ng criminal at administrative complaints na isinampa laban sa kanila ng Senate Committee on Foreign Relations na pinagunguluhan ni Sen Imee Marcos.
Ayon sa Ombudsman, may 10 araw ang mga nasasakdal upang isumite ang kanilang mga sagot at ebidensya para patunayan ang kanilang inosensya. Kapag hindi nila ito nagawa, maaaring magdesisyon ang Ombudsman batay lamang sa ebidensya ng complainants.
Ang mga respondent ay nahaharap sa mga kasongg arbitrary detention, usurpation of judicial functions, grave threats, graft at false testimony at para sa grave misconduct prejudicial to the best interest of the service.
Naglunsad ng imbestigasyon ang Ombudsman kasunod ng pagpapadala ni Sen. Imee Marcos ng ulat ng Senate Committee on Foreign Relations na nagrerekomenda na ang limang executive officials ay managot sa kriminal at administratibo dahil sa umano’y illigal na pag-aresto kay FPRRD.
Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang mga nasasakdal, ngunit inaasahang maglalabas sila ng detalyeng pagtatanggol sa mga paratang.
(RIT)

