DATING ALKALDE NG LAGAYAN ABRA, PATAY SA PAMAMARIL

BANGUED, ABRA | Ideneklarang dead-on-arrival ang biktima ng pamamaril na si ex-mayor Jendricks Seares Luna, dating alkalde ng Lagayan, Abra, 54, at resident eng Dangdangla, Bangued, Abra.
Base sa nakalap nating report, bandang 8:30 ng umaga Martes Hunyo 3, 2025, nakatanggap ang report ang Bangued MPS ng isang shooting incident sa Barangay Dangdangla, Bangued, Abra. Sa inisyal na imbestigasyon bandang 8:22 ng umaga ng Martes, habang nakaupo si Luna sa patio sa harap ng kanyang tirahan ay dumating ang apat (4) na hindi nakikilalang suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo, at agad pinaputukan ang biktima ng maraming beses, pagkatapos ay agad tumakas ang mga ito sa di malamang direksyon.
Dahil rito, nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, at agaran naman itong itinakbo ng kanyang mga kamag-anak sa Seares Memorial Hospital ngunit idineklara na itong dead-on-arrival ng attending physician na si Dr Voltaire Seares.
Kasalukuyan namang nakaalerto ang iba’t-ibang unit ng Bangued PNP at nagkasa ng drag net operation para sa ikadarakip sa mga suspek.
Si Luna ay anak ng dating congresswoman Cecilla Luna, na tumakbong Board Member ng Abra ngunit hindi pinalad na manalo.
Na reactivate na ng PNP ang Task Force Abra for 2025 midterm elections upang maiwasan ang paglaganap ng krimen sa probinsya ng Abra.
###Faustino Dar para sa RoadNews
