kspho

Ang tagumpay ay hindi isang swerte o aksidente, na mangyayari nalang sa buhay na hindi inaasahan. Kundi ito ay bunga ng tamang gawi, na may kasamang determinasyon. Narito ang anim na resipi na maghahatid sa atin sa ating mga pangarap na marating. Ang matamis na tagumpay!

1. Matalinong Pagtatrabaho (Work Smart) – Hindi sapat ang naka gawian nating work hard, o ang pagiging abala sa mga bagay-bagay, kung walang direksyon ang ating ginagalawan. Ang tunay na produktibo ay nagmumula sa tamang paggamit ng oras at enerhiya nang epektibo. Alamin ang ating priyoridad, gamitin at paghusayin ang ating talento, at humanap ng mga paraan para gawing mas madali at mabilis ang ating mga gawain.

2. Pagtitiis (Patience) – Ang tagumpay ay hindi dumarating sa isang iglap. Kailangan nating matutong maghintay at huwag madismaya kung hindi agad nakakita ng resulta. Ang mga malalaking pangarap ay nangangailangan ng panahon at oras, at ang bawat hakbang gaano man yan kaliit ay nagdadala sa atin papalapit sa ating layunin.

3. Sakripisyo (Sacrifice) – Walang tunay na tagumpay na dumating nang walang kapalit na sakripisyo. Maaaring kailanganin nating isantabi ang ilang aliw, tulog, o personal na kasiyahan para sa mas malaking layunin. Ang pagsubok at paghihirap ay bahagi ng proseso. Huwag matakot magpakapagod at huwag matakot magsakripisyo.

4. Tiwala sa Sarili (Self-Confidence) – Manalig at magtiwala sa ating kakayahan. Kung hindi tayo maniniwala sa ating sarili, sino pa ang maniniwala sa para sa atin? Matapang na harapin ang mga hamon ng buhay. Magtiwala sa Panginoon na ginawa tayong matatag at may malinaw na pagiisip kaya pakatandaan na ang bawat pagkakamali ay nagbibigay ng aral hindi kabiguan.

5. Disiplina (Discipline) – Ang disiplina ang syang susi sa pag-abot ng mga pangarap. Tama kailangan ng motibasyon sa buhay pero ang pagkakaroon ng disiplina ang humuhubog sa atin upang ituloy ang dapat nating gawin. Ito ang nagpapanatili sa atin sa tamang landas, kahit sa paligid ay napaka daming tukso at distractions.

6. Pagiging Consistent (Consistency) – Ang mga maliliit ngunit patuloy na pagsusumikap ay mas epektibo kaysa sa pabugso-bugsong paggawa. Kahit gaano kabagal ang iyong pag-usad, ang importante at tuloy-tuloy tayo tungo sa ating pangarap. Ang consistency ang nagbibigay-daan sa pangmatagalang tagumpay.

Ang buhay ay punong-puno ng mga pagsubok, ngunit ang mga taong nagtatgumpay ay yaong patuloy na lumalaban kahit nahihirapan. Huwag sumuko, huwag tumigil, at ituloy lang ang laban hanggang sa maabot natin ang tagumpay!

“Never give up until I win”

#iOWN #SarilingAtin