PAGBASURA SA IMPEACHMENT TRIAL NI SARA DUTERTE, PINALAGAN NI HONTIVEROS: ‘PREMATURE’
Tiniyak ni Senador Risa Hontiveros na kanyang haharangin ang anumang mosyon na ihahain upang ibasura ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil lubhang “premature” ang pagdismis sa proseso sa ngayon.
Sa kanyang pahayag sa ginanap na Kapihan sa Senado ngayong Huwebes, sinabi ni Hontiveros na magkakaroon ng malawak na diskurso sa plenaryo sakaling may maghain ng mosyon na idismis ang impeachment case laban kay Duterte sa Agosto 6.

“If that happens, we would debate on it and I am ready, we in the minority are ready to fight for our arguments, our opinions, and our vote regarding that,” ani Hontiveros.
Aniya, personal nitong ibabasura ang anumang mosyon na idismis ang paglilitis sakaling ihain ang bagay na ito sa sesyon ng plenaryo.
“Up to now, it is still premature to vote on any motion to dismiss because what would we dismiss if there’s still no evidence or any warm body witness that we, senator judges, have heard?” aniya.
Naunang inihayag ni Senate President Francis Escudero na nagkasundo ang Senado na desisyunanang deliberasyon sa impeachment sa Agosto 6 partikular ang kuwestiyon hinggil sa kung paano itutuloy matapos magdesisyon ang Supreme Court na ideklarang null and void ang articles of impeachment.
Samantala, naniniwala si Hontiveros na hindi ‘vindicated” ang Senado sa desisyon ng Korte Suprema.
“The She said the Senate and Supreme Court are co-equal branches of the government; hence, they each hold separate, distinct yet equal obligations to act on matters within their jurisdictions,” giit ni Hontiveros. Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
