NABIYAYAAN tayo ng tulong sa Salt and Light Medical Mission mula sa pakikipagtulungan ng Yeosu Global Charity Association Korea katuwang ang Health Services ng Lungsod ng San Pedro, Laguna noong Hulyo 30, 2025 na ginanap sa Astrodome ng Pacita 1.

Wala pang alas-8 ng umaga, nasa lugar na ako at dinatnan kong marami nang nakaupo sa mga kulay berdeng silya.

Pasado alas-9 nagsimulang gumalaw ang pila ng mga tao para magpa-rehistro at ilalagay kung ano iyong concern na medyo nagka problema sa agawan ng upuan.

Pumila tayo sa linya ng Ear, Nose at Throat (ENT), dahil nakararamdam tayo nang pamamalat tuwing umaga. Eksaktong ala-una, pinabuka na ng Korean Doktor ang aking bibig gamit ang tongue depressor.

In-advise tayo ni dok na huwag uminom ng malamig na tubig o kahit anong likido na malamig at sinabing mainam daw ang pag-inom ng mainit o maligamgam na tubig sa umaga at huwag akong manigarilyo.

Meron siyang sinulat sa aking dalang papel na naroon ang pangalan na nasusulatan ng tila reseta at sabi ng kanyang interpreter na Pinay dalhin ko sa Pharmacy at ilang sandali lang ay iniabot na sa akin ang isang bote ng vitamins at medesina para sa limang araw na kunsumo.

Ilang minuto bago mag-alas-2 nasa bahay na ako at umidlip sandali.

Habang nagpapaantok, naisip kong bakit walang stetoscope na ginamit ang mga doktor, partikular sa Internal Medicine section?

Gayunpaman, matagumpay ang nasabing Medical Mission kung pagbabatayan ang pagdagsa ng tao. Salamat sa masarap na arrozcaldo para sa pananghalian ng mga naroon.

Meron pa raw susunod na Salt and Light Medical Mission sa Agosto 13 to 15, 2025.

Art Tapalla nag-uulat para sa RoadNews