2026 proposed budget ng Palasyo, pagtitibayin nang walang amendments – Lacson

Ni Ernie Reyes

Ipinanukala ni Senador Panfilo Lacson na pagtibayin ng Kongreso ang kabuuan ng 2026 national budget ng pamahalaan na nakatakda sa National Expenditure Program (NEP) bilang eksperimento upang maiwasan ang pagsisingit ng makabagong pork barrel, ang flood control projects.

“For a change, why not have the Senate adopt the NEP so that if there will be problems in implementing projects in 2026, it will be on the executive department,” ayon kay Lacson.

Sinabi ni Lacson na magsisilbing expirement” ang panukala sa loob ng isang taon upang maiwasang maulit ang korapsiyon sa pagsisingit at paglilipat ng pondo sa 2025 national budget.

“At least if it’s the NEP, I’m sure the items in it were studied carefully by the implementing agencies concerned,” aniya.

Ayon kay Lacson, ikonokonsidera niyang pagtibayin ang NEP sa gaganaping briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado.

Sinabi pa ni Lacson na maaaring pagtibayin ng Senado at Mababang Kapulungan ang NEP at bantayan ang implementasyon ng proeykto.

“This will be a one-year experiment. If it fails, we go back to the realignment,” aniya.

Ipinanukala ng Marcos administration ang P6.79-trillion budget sa 2026.