DOE kinalampag ni Cayetano sa paggamit ng clean energy: ‘Consumer protektahan’

0

Ni Ernie Reyes

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Department of Energy (DOE) na kailangan nang isulong ang paggamit ng malinis na enerhiya bilang tulong sa consumer at mapagaan ang dinadalang pasanin ng mamamayan.

Nanawagan din siya para sa mas malawak na paggamit ng lokal na mapagkukunan ng enerhiya para maging mas matatag at hindi umaasa sa ibang bansa ang Pilipinas.

“With more than half of our energy requirements being imported, we are clearly vulnerable to geopolitical conflicts,” wika ni Cayetano.

Ipinahayag niya ito matapos ang budget briefing ng Department of Energy (DOE), kung saan binigyang diin ng ilang senador ang labis na pagdepende ng bansa sa imported na langis at ang mabagal na pagpapatupad ng mga proyekto sa renewable energy.

Ayon kay Cayetano, nagiging vulnerable ang bansa sa pagbabago ng presyo sa pandaigdigang merkado dahil sobra itong nakaasa sa imported supply ng enerhiya.

“Let’s make sure our energy strategy moves in the right direction, one that strengthens our security and ensures every Filipino has access to reliable and affordable power,” wika niya.

Babala niya, ang pagkaantala sa mga polisiya o patuloy na pagdepende sa imported fuel ay maaaring makasama sa pagiging efficient ng gastos at sa seguridad ng supply.

“Increased reliance on imported sources of fuel threatens the country’s energy security and energy sovereignty because these are greatly susceptible to a volatile market,” sabi niya.

“We have to transition to cleaner energy without making ordinary Filipinos pay more and at the same time build local energy sources that make our country stronger and more resilient,” dagdag ni Cayetano.

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *