BAGONG KUDETA IBINULGAR NI SOTTO: ‘PALAGING MAY KUWENTO’
Ni Ernie Reyes
Ibinulgar ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may bagong kuwento ng kudeta upang patalsikin sa puwesto na pangkaraniwan nang umiikot palagi sa Senado.
Nitong Lunes, binuksan ni Sotto ang sesyon matapos mag-recess noong OKtubre 10 para magbakasyon na nakatakdang magsimula sana nitong Lunes ngunit nasuspinde dahil sa bagyong Uwan na nanalasa sa Central at Northern Luzon.

“We hear it (coup attempts) every now and then. It’s a common kwento (story),” ani Sotto sa ambush interview.
“During the weekend? One or two stories lang, meron daw lumalakad, meron daw kumakausap. Ganon lang,” aniya.
Sinabi ni Sotto na wala siyang ideya kung ilan ang senador na sangkot sa huling kuwento ng kudeta laban sa kanya.
“Ako naman, ika nga, (for me) I leave it to our peers. The Senate president should always leave it to the wisdom and the trust and confidence of his colleagues,” ani Sotto.
Naunang ibinabala ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na kapag naihalal o bumalik bilang chairman ng Blue Ribbon Committee na dapat nakahanda si Sotto na harapin ang anumang pangyayari dahil baka mabawasan ang bilang ng mayorya.
Samantala, kinilala naman ni Senador Alan Peter Cayetano ang ‘infighting and chaos” sa Senado kaya ipinahatid nito na bawat miyembro ay may tungkulin na mapanatili ang kaayusan at kredibilidad ng Mataas na Kapulungan.
“Ginugulo ng ginugulo ng ginugulo… every single member of the Senate may personal responsibility,” ayon kay Cayetano.
Ikinabit ni Cayetano ang gulo sa ‘political maneuvering ahead of 2028’ kaya dapat nakapokus ang minorya sa polisiya at hindi pulitika.
“This is all about 2028. Many people want to knock out their opponent already now,” ayon kay Cayetano.
Tiiniyak ni Cayetano na mananatiling nakatuon ang minority bloc sa ideas at reporma, partikular sa proseso ng badyet.
“Our biggest job now is to give better ideas for the budget,” aniya.
Sa ngayon, mayroong 15 miyembro ang majority bloc, samantalang siyam naman sa minorya na pinangungunahan ni Cayetano.
