BBM Pinuri ni Escudero sa Evidence-Based Approach vs Flood Control
Ni Ernie Reyes
Pinuri ni dating Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Martes si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsusulong ng evidence-based investigations sa flood control budget scandal kaya nakapaghain ng kaukulang kaso sa korapsiyon laban sa ilang opisyal at pulitikong sangkot.
Kasabay nito, iginiit ni Escudero ang kahalagahan ng pananagutan at Nagbabala laban sa diversion na nagbibigay proteksiyon sa guilty at nasasaktan lamang ang inosente.
Sa ginanap na deliberasyon ng Senado sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sinabi ni Escudero na pinili ng administrasyon na ibinandila ni Secretary Vince Dizon, ang pagsunod na ebidensiya kahit saan makarating kahit may masagasaan sa pulitika.

“Binabati ko po ang administrasyon dahil hindi sila sumunod at nagpadala sa anumang script o sarswela para ilihis ang mga tunay na salarin tulad ng sinabi ko nung ako ay huling tumayo at nagsalita dito sa Senado,”ani Escudero.
“Ayon mismo kay Secretary Dizon, ang sinusundan lamang nila, base sa kautusan ng Pangulong Marcos, ay kung saan sila dinala ng ebidensya,” giit ng senador.
Nakapaghain na ang Ombudsman ng kasong korapsiyon at malversation sa Sandiganbayan laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, dating DPWH Undersecretary Wilfredo Bernardo, dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez, at director ng Sunwest Corporation hinggil sa flood control project anomalies.
Pinangunahan ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure, na inatasan ng Pangulo, na nagsalin ng dokumento sa Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa anomalya upang matukoy ang posibleng pananagutang administratibo at kriminal sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards, at iba pang batas.
Pinuri din ng senador ang determinasyon ng adminstrasyuon sa pagtataguyod ng katarungan kahit masagasaan ang imbestigasyon sa kanila mismong harapan. Binanggit din ni Escudero ang direktiba ng Pangulo na sunda ang ebidenisya na makatitiyak sa pananagutan na isusulong at walang diversion.
“Alam kong hindi naging madali ang desisyong ito para kay Pangulong Marcos nang malaman niya na posibleng sangkot ang kaniyang pinsan. Kaya, binabati ko ang kaniyang sigasig na panagutin ang mga tunay at dapat managot, at ang pagtutol niya sa anumang dibersyon dahil marami nang mga inosenteng tao ang nadamay sa tangkang paglilihis na ito,” aniya.
Ipinaalala din ni Escudero sa publiko na habang umiinit ang galit sa korapsiyion, dapat hatulan base sa tunay na pangyayari at ebidenmsiya at hindi espikulasyon at intriga.
“Dapat lang tayong magalit sa korupsyon at anumang uri ng pag-abuso sa kapangyarihan. Subalit, huwag tayo maging padalos-dalos sa paghusga. Maging mapanuri din tayo sa mga mema na nais lamang magpunla ng pagkakawatak-watak natin di lamang dito sa Senado kundi sa buong bansa,” aniya.
