AFP MODERNIZATION PROGRAM, DADAGDAGAN NG PONDO – GATCHALIAN

0

Ni Ernie Reyes

Inihayag ni Senador Win Gatchalian na kailangan mapanatili ang mas mataas na budgetary support sa pagpapabilis ng programang modernisasyon ng AFP upang mapalakas ang external defense posture ng bansa.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Finance, itinulak ni Gatchalian ang karagdagang P20 bilyon para sa AFP modernization fund sa ilalim ng Programmed Appropriations, bukod pa sa P30 bilyong nakapaloob sa Unprogrammed Appropriations.

“Ito yung modernization fund na gagamitin sa pagbili ng mga kagamitan na tutulong sa atin sa pag-shift sa multi-domain external defense posture mula sa internal security strategy,” ani Gatchalian sa deliberasyon sa panukalang pondo ng Department of National Defense para sa susunod na taon.

“Dapat na sumasalamin ang AFP modernization program sa kasalukuyang mga nangyayari sa bansa ngayon, halimbawa ang geopolitical situation sa West Philippine Sea,” ayon sa senador.

Sa Senate version ng panukalang national budget para sa susunod na taon, naglaan ng P385.97 bilyon, o 1.25% ng Gross Domestic Product para sa Defense Department.

Ito na ang pinakamataas na alokasyon sa Defense Department sa kasaysayan. Layon nitong palakasin ang kakayahan at tugunan ang mahahalagang pangangailangan sa depensa ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *