Limang Kongresista, Tumutol sa Suspensyon ni Barzaga; Nanawagan ng Mas Malalimang Pagsusuri sa iba pang Kaso
ni Darwell Baldos
Sa isang botohan na nagpakitang malinaw na pagsang-ayon ng mayorya, inaprubahan ng Mababang Kapulungan nitong Lunes ang 60-araw na suspensyon ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga. Subalit, ang desisyon ay hindi naging lubos na pinagkaisahan matapos bumoto ng ‘NO’ ang limang kongresista na nagsabing mas dapat unahin ang mas mabibigat na isyu.
Ang huling tally ay nagtala ng 249 na sang-ayon, 5 na tumutol, at 11 na abstenyon.

Ang mga bumoto laban sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges ay sina: SAGIP Rep. Paolo Marcoleta; Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando; Bagong Henerasyon Rep. Robert Nazal; Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay; Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Sa kanila, si Rep. Leviste ang buong linaw na nagpahayag ng kanilang kolektibong pangamba. Ayon sa kanya, dapat panghinaan ng loob ang Kamara sa pag-uuna sa kaso ni Barzaga samantalang tila hindi nito gaanong pinagtutuunan ang mas seryosong alegasyon ng korapsyon laban sa kanilang mga kasamahan na sangkot sa mga bilyun-bilyong pisong proyekto sa DPWH.
