CADENA Act sa pagpapatayo ng classroom vs backlog, prayoridad ng Palasyo – Bam
Ni Ernie Reyes
Lubos na nagpalasamat si Senador Bam Aquino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagbibigay prayoridad sa panukalang batas na magpapabilis sa pagtatayo ng sijlid-aralan sa buong bansa.
Tinutukoy ni Aquino ang kanyang panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act na malaki ang maitutulong sa pagbabawas ng classroom backlog sa bansa.
“It is particularly fitting that Malacanang announced the decision on Anti-Corruption Day, as the CADENA Act, or known as the Blockchain the Budget Bill, seeks to eradicate corruption, promote transparency, and strengthen accountability in the use of public funds,” aniya.
Tiniyak ni Aquino na kanyang palalakasin ang pagkilos upang mapabilisa ng pagsasabatas ng CADENA Act upang matuldukan ang katiwalian sa pagpapatayo ng silid-aralan.

“Magtatrabaho tayo upang maisabatas ang CADENA Act para matuldukan ang katiwalian sa pamahalaan at matiyak na nagagamit sa tama ang buwis ng taumbayan,” giit ni Aquino.
“Nagpapasalamat din tayo sa LEDAC sa pagsama ng dalawa pa nating panukalang batas na Party List Reform Act at Anti-Political Dynasty Act sa kanilang listahan ng prayoridad,” ani pa ng senador.
