SAN JUANICO BRIDGE, BINUKSAN NA SA MAS MABIGAT NA KAPASIDAD NG MGA SASAKYAN, AYON KAY PANGULONG MARCOS
Ni Tito Lucas
BINUKSAN na sa mas mabigat na kapasidad ang San Juanico Bridge sa Eastern Visayas simula noong Biyernes (Dec 12), matapos itong limitahan sa nakalipas na mga buwan para sa rehabilitasyon. Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itataas na ang kapasidad ng tulay sa 15 tonelada bawat lane, mula sa dating 3-toneladang limitasyon na ipinatupad dahil sa mga isyu sa kaligtasan ng istruktura.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo na malapit na sa deadline ang proyekto at kasalukuyan nang “partially finished” ang tulay. Inaasahang matatapos ito sa susunod na taon upang muling makadaan ang 33 tonelada sa magkabilang direksyon. Samantala, pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng isang one-way scheme tuwing dis-oras ng gabi bilang pansamantalang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan habang isinasagawa ang pag-aayos.
Target na maibalik ang buong operasyon na may 33-toneladang kapasidad sa ikatlong quarter ng 2026. Binigyang-diin din ng Pangulo ang halaga ng wastong pangangalaga, na binanggit ang halagang PhP1.1 bilyon na ginugol sa retrofit—isang halagang maaaring nai-save kung napanatili nang maayos ang tulay.

