WANTED PERSON ARESTADO SA PAMAMAGITAN NG MANHUNT OPERATION SA STA. BARBARA, PANGASINAN

ni Edizon Cancino

Noong ika-13 ng Disyembre 2025, bandang 9:45 ng gabi, matagumpay na nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Sta. Barbara Municipal Police Station sa direktang pangangasiwa ni PLTCOL MICHAEL S DATUIN, Hepe ng nasabing istasyon, katuwang ang CIDG SATT2 Dagupan City at Calasiao Police Station, sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 32-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Tebag West, Sta. Barbara, Pangasinan, na may nakabinbing Warrant of Arrest para sa kasong Rape, alinsunod sa Criminal Case No. 2013-01-6-D, na inisyu ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 43, Dagupan City. 

Ang nasabing kaso ay may no bail recommended. Ang indibidwal ay nakalista rin sa Manhunt Charlie sa ilalim ng control number SBPSI 2025-12-13-03.

Matapos maaresto, ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at ang dahilan ng kanyang pagkakadakip. Siya ay dinala sa Mapandan Community Hospital para sa medical examination bago pansamantalang ikinustodiya sa Sta. Barbara Municipal Police Station.

Patuloy ang Sta. Barbara MPS sa pagpapatupad ng batas at pagtugis sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

#PRO1RegionalDirector #PoliceRegionalOffice1Official #PDPangasinanPPO #pangasinanpoliceprovincialoffice #BagongPilipinas #PhilippineNationalPolice