QUIMBO, DAPAT HUMARAP SA IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS – BELGICA”

RoadNews Investigative Team

Nanawagan si dating Presidential Anti-Corruption Commission o PACC Chairman “Greco Belgica” na dapat humarap at magpaliwanag si dating Marikina 2nd District Representative “Stella Quimbo” kaugnay ng mga imbestigasyong isinasagawa sa umano’y maanomalyang “flood control projects” ng gobyerno.

Ayon kay Belgica, mahalagang marinig ang panig ni Quimbo lalo’t kabilang siya sa mga nagbalangkas ng “2025 national budget”. Si Quimbo ay naging “miyembro ng bicameral conference committee”, “vice chairperson ng House Committee on Appropriations”, at bahagi rin umano ng tinatawag na “small committee” kung saan sinasabing nagkaroon ng mga insertion sa pondo.

Kabilang sa iniimbestigahan ang umano’y “blank item sa 2025 General Appropriations Act” at ang posibleng “diversion ng bilyong pisong pondo” na inilaan para sa flood control projects.

Ibinabato rin ni Belgica ang tanong kung bakit “wala si Quimbo sa mga isinasagawang pagdinig at imbestigasyon” kaugnay ng flood control projects at pagbusisi sa national budget, sa kabila ng kanyang mahalagang papel sa proseso ng pag-apruba nito.

Giit ni Belgica, mahalaga ang pananagutan ng mga opisyal na sangkot sa pagbalangkas ng pambansang badyet upang matiyak na ang pondo ng bayan ay napupunta sa tamang proyekto at hindi naaabuso.