EAGLE STAR BUS NASUNOG HABANG BUMIBIYAHE

bus4 (1)

Isang pampasaherong bus ng Eagle Star Bus na may biyaheng Borongan-Manila habang binabagtas ang nasunog habang binabagtas nito ang kahabaang kalye ng Binan, Laguna kaninang bandang alas-4 ng hapon.

    Batay sa nakuhang impormasyon ay biglang nagliyab ang naturang bus sa likuran parte nito hanggang sa kumalat ang apoy.

    Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa malaman ang pinagmulan ng pagkasunog ng Eagle Star Bus.

    Hindi pa rin alam kung may nasaktan sa mga pasahero sa nasabing insidente na kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar. (Joselito Amoranto)

Ang pampasherong Eagle Star Bus na may biyaheng Borongan-Manila ang nasunog habang nasa Binan, Laguna.