2025 Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan – Kick-Off sa QCPD
LUNGSOD NG QUEZON, Marso 3, 2025—Ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCOL Melecio M Buslig, Jr, ay sinimulan ang Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan 2025, kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Kamuning Police Station (PS 10) sa ilalim ni PLTCol Leonile Ann Dela Cruz, Lunes ng umaga sa QCPD Flagpole, Camp Karingal, Quezon City.
Ang selebrasyon na may temang, “BABAE SA LAHAT NG SEKTOR, AAGNAT ANG BUKAS SA BAGONG PILIPINAS” ay pinasinayahan ni Hon. TShaine B. Taguinod-Maggay, Presiding Judge ng Municipal Trial Court sa mga Lungsod ng Tabuk City, Kalinga.
Ang pangunahing tampok ng kaganapan ay ang paggawad ng mga papuri sa 13 babaeng personnel bilang pagkilala sa kanilang katapangan, talino, at dedikasyon sa tungkulin.
Kabilang sa mga awardees sina PLTCOL Melicent A. Apolinario; PLTCOL Mary Grace B Nasdoman; PLT Loida D Sta. Maria; PCMS Maridel Frias; PSSg Jinky Dela Trinidad; PSSg Shiela Grace Aquino; PSSg Madilyn Habawel; PSSg Lyneth Amate; PSSg Edilyn Ortillo; Pat Trima Joy Baay; Pat Santana Salagma; NUP Carina M Gatchalian; at NUP Aiza Pilarca.
Sa welcome remarks ni PLTCOL May Genio ay binanggit nyang “With this year’s theme, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”, a time to honor the strength, resilience, and incredible achievements of women. No longer are women expected to sit still and look pretty, instead, they are here to lead empires, break barriers and shapes the future”.
Sa talumpati naman ni Hon. Maggay, binigyang diin niya ang kahalagaan ng isang babae, “Ngayong Women’s Month, ipagdiwang natin ang tagumpay ng kababaihan sa lahat ng sektor. Sa inyong pagpupunyagi, hindi lang kayo ang aangat-kundi pati ang buong Pilipinas. At para sa inyong lahat na nasa hanay ng kapulisan, babae man o lalaki, thank you for your selfless service, and may you continue to find the motivation and strength to work harder and do your job right, for you are the protectors and saviors of our communities.
Nagpahayag din ng pasasalamat si PCOL Buslig, Jr. kay Hon. Maggay sa pagpapasinaya sa nasabing okasyon at sa kanyang inspiring message. Pinuri rin niya ang dedikasyon at pagsusumikap ng mga babaeng tauhan sa QCPD. “Ang ating mga kababaihan na naka-uniporme ay mga pinuno sa kapayapaan, seguridad, at serbisyo sa komunidad. Ang kanilang lakas at dedikasyon ay nagbibigay-inspirasyon sa ating lahat. Ngayong Pambansang Buwan ng Kababaihan, ipagpatuloy natin ang pagbibigay-kapangyarihan at pagkilala sa kanila, na tinitiyak ang pantay na pagkakataon para sa lahat,” wika ni PCOL Buslig.
Jovan Casidsid para sa RoadNews


Photo Courtesy to QCPD