Tanggap ng asawa na chickboy si Double A…

0

P200M bahay na handog ni Atong Ang para kay Sunshine Cruz?

KUNG sa kanyang mga magulang ay nakapagpapatayo ng mga malapalasyong tahanan ang negosyanteng si Atong Ang, sa babae pa kayang kanyang pinaghahandugan ng pagmamahal?

            Ipinagpatayo na nga ng milyun-milyong musoleyo ang kanyang mga paryentes sa Dasmariñas City sa Cavite.

            Alam ng lahat na may lehitimong pamilya si Atong, pero ang pag-ibig ay lagi na lamang kumakaway sa kanya.

            Masyado nga bang habulin ng chicks o siya ang nanghahabol ng tsikas?

            Pareho lamang.

            Dahil may tindig at histura si Atong.

Bukod pa r’yan, taglay niya ang kagandahang-loob at pagiging heneroso kaya naman ang pagbibigay sa kanyang mga kaibigan at malalapit na tao, halimbawa’y kay Sunshine Cruz ay hanggang doon na lamang.

Ayon sa mga ulat, noon pa man ay atat na atat na si Ang kay Sunshine lalo na sa malalabanos nitong kaputian at kakinisan.

Talagang hindi nga umano tumigil o natitigal ang Tsinong negosyante sa pamimintuho kay Cruz kahit na ito ay naging asawa na ni Cesar Montano at naging syota ni Mackay Mathay.

Walang pakialam si Atong kung may mga umibig na kay Shine.

Bastat ang kanyang pagmamahal kay Sunshine ay nangingibabaw at walang kapantay.

Ayon sa isang kilalang tagadisenyo ng damit, alam naman anya ng asawa ni Atong na si Irish, na masama ang tama ng kanyang mister kay Sunshine pero nauunawaan naman niya ang lahat dahil bahagi lang ito ng hanapbuhay ng Chinese billionaire.

Matagal na ring nababalitaan ni Irish na masama ang tama ng kanyang asawa kay Shine pero de-simulado lang ito.

Tanggap na ng esposa na gano’n ang katangian ng mga lalaki—pala-ibig pero may hangganan din naman anya ‘yon.

Tulad ngayon na nauugnay si Atong, hindi lamang kay Sunshine kundi kay Gretchen Barretto, kahit malalapit lang silang magkakaibigan. Kumpare at matalik na kakosa o kaibigan ni Double A si Tony Boy Cojuangco, at ang magandang aktres na lola na nang dahil sa pagkaka-apo kay Dominique Barretto Cojuangco.

Hindi nga kataka-takang ipagpabahay ng mayamang negosyante si Sunshine.

Ayon sa mga sabi-sabi, nagkakahalaga ng P200M ang malapalasyong tahanan ni Sunshine.

Gaano katotoo ito?

Bastat madalas lang ay sila’y magkaulayaw, hindi kaya?

Gayunman, malaya si Shine na makasama ang kanyang mga anak kay Cesar.

Kamakailan ay nagpatapos sina Cruz at Montano kay Angeline, ang isa sa tatlo nilang anak na babae.

Hindi nagpapigil ang aktres sa gustong mangyari ng kanyang mga babies.

Tiyempo naman na walang trabaho si Sunshine kaya handa at libre siyang makipag-ugnayan kay Atong.

“Napakabait naman talaga po ni Atong Ang,” pahayag ng taga-Lopez, Quezon na si Joseph Sario.

“Nakita ko na po si Sir Atong at mabait siya. Hindi naman siya ‘yong nanlalamang kundi ang patas na relasyon ng manggagawa at kapitalista,’ pahayag ni Joseph.

Napakaringal umano ng tahanan na ipinagagawa ng Tsino para sa tisay na Filipinang si Shine.

Hindi na nga maipagkakailan ang relasyon nina Cruz at Ang.

(Boy Villasanta)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *