KOMYUTER MUNA: SM NORTH BUSWAY CONCOURSE STATION, PINASINAYAHAN
PINANGUNAHAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang pagpapasinaya ng bagong SM North EDSA Busway concourse and station noong nakaraang Huwebes, Marso 13, 2025.
“Napakalaking bagay po ng oras. Ang malungkot, wala tayong oras ngayon—wala nang oras ang mga kababayan natin,” ani Dizon.
Kasama ni Dizon ang ilang opisyal sa traditional ribbon cutting ceremony sa state-of-art concourse at ang bagong station para magamit ang busway sa nasabing lugar.
“Para ito sa commuters. Ang project na ito na bigay ng SM ay hindi para sa DOTr kundi para sa mga komyuter,” banggit pa ni Sec. Dizon.
Sinabi pa ng hepe na ang DOTr ay nakapokus kung paano mababawasan ang travel time para sa bawat pasahero ng isa hanggang dalawang oras na magagamit pa nila sa pagpapahinga at panahon para sa kanilang mga pamilya.
“Kabilin-bilinan ng Pangulo. Kailangan kahit papaano ay makapagbigay tayo ng dagdag na oras sa ating mga kababayan. ‘Yun po ang binibigay nitong busway na ito,” ayon pa sa kalihim.
Idinonate ng SM Prime Holdings Inc., ang SM North EDSA Busway concourse features mga daang-tao na maliwanag, escalators, elevators, at security systems, habang tinitiyak ang galaw para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens, buntis, at iba pang bulnerableng pasahero.
The concourse will likewise be used as template for other EDSA Busway stations, dagdag pa ni Sec. Dizon.
Tiniyak din niya sa mga pasahero na ang EDSA Busway ay hindi titigil ang operasyon kahit na sa panahon ng rehabilitasyon ng nasabing major thoroughfare.
“Hinding hindi po mawawala ang busway. Pagagandahin pa po natin ito. Pabibilisin natin ito. Sasabayan na po natin ang pagpapaganda sa ating EDSA Busway habang ginagawa ang pag-rehab sa EDSA,” pahabol pa ni Sec. Dizon.
(Jovan Casidsid)