ALAS  PILIPINAS WOMEN

Belen, Alinsug, Canino, at Nitura, imbitado sa Alas Pilipinas Women tryouts

KABUUANG 33 players kabilang sina Michaela Belen, Evangeline Alinsug. Angel Ann Canino at Shaina Nitura, pati na ang bumubuo sa 15 miyembro ng Alas Pilipinas, ang iimbitahan sa serye ng tryouts para mabuo ang komposisyon ng women’s national volleyball team para sa tatlong major international competitions ngayong taon.

Sinabi ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara, na ang mga inimbitahan ay kabilang sa mga nangungunang collegiate players prospect, mula sa ibang bansa at stalwart ng iba’t ibang team sa Premiere Volleyball League.

“These are quality young players from the professional leagues PVL, from abroad and schools,” sabi ni Suzara, na presidente rin ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at executive vice president ng International Volleyball Federation (IVF).

“This is a wish list of players for the national team that I fervently want to see competing for out flag and country,” dagdag ni Suzara.

Sinabi ni Suzara na si Alas Pilipinas head coach, Brazilian Jorge Edson Sauza de Brito, ang mangangasiwa sa mga pagsubok kung saan itatakda pa ang mga petsa at venue.

Naka-iskedyul ngayong taon ang 6th AVC Challenge Cup for Women na nakatakda sa Hunyo 8 hanggang 15 at 5th Southeast Asian V. League Week 1 (Hulyo 25 hanggang 27) at Week 2 (Agosto 1 hanggang 3) sa mga tiyak na lugar at ang 33rd Southeast Asian Games sa Thailand mula Disyembre 7 hanggang 19.

“We are very confident to tap the best players in every position,” sabi ni De Brito. “The Philippines has a lot of great talents from the collegiate ranks up to the pro ranks and we are improving ever since I arrived. We just need to work hard to let the players grow.”

Imbitado sa exercise sina setters Angelique Alba, Tia Andaya, Julia Coronel, Jia de Guzman, Camila Lamina, liberos sina Dawn Catindig, Justine Jazareno, Jennifer Nierva at Hannah Stires mula sa USA.

Kabilang din sa ipinatawag ang mga opposite spikers na sina Tots Carlos, Shevana Laput, Faith Nisperos, Alyssa Solomon at Eli Soyud. Outside hitters sina Mhicaela Belen, Evangeline Alinsug, Angel Canino, Vanessa Gandler, Eya Laure, Alleiah Malalulan, Arah Panique, Glaudine Troncoso, Brooke Van Sickle, Shaina Nitura at Savannah Davidson.

Ang mga middle blocker sa listahan ay sina Thea Gagate, Clarisse Loresco, Madeleine Madayag, Del Palomata, Jeanette Panaga, Jana Philips, Amie Provido at Fifi Sharma.

(Lianne Encarnacion)