Eala, sasabak naman sa WTA Madrid Open, French Open
SANDALI lamang na magpapahinga ang 2025 Miami Open semifinalist na si Alexandra “Alex” Eala para pagalingin ang iniinda sa kanyang kaliwang hita at paa bago muling sumabak sa pinakamalapit na WTA 1000 Madrid Open sa susunod na buwan.
Bagaman kinapos ay inukit ng 19-anyos na Globe Ambassador na si Eala ang kanyang pangalan sa talaan ng Miami Open sa kanyang quarterfinal upset sa five-time Grand Slam champion at World No. 2 na si Iga Swiatek ng Poland bago nabigo kay Jessica Pegula ng US sa semifinals.
Ang panalo kay Swiatek ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking shockers sa kamakailang memorya ng tennis ngunit para sa mga Pilipino ay naipakita ni Eala ang kahalagahan ng kanyang makasaysayang paglalaro sa Miami na higit pa sa hardcourt ng Hard Rock Stadium sa Florida.
Nasaksihan ng bansa ang isa pang atleta na nagpamalas ng kanyang husay sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtatala ng malalaking upsets sa mga nangunguna sa sports.
Ang Asian Games double bronze medalist ang ikatlong wild card sa kasaysayan ng torneo na umabot sa semifinals, isang bagay na tanging sina Justine Henin ng Belgium at Victoria Azarenka ng Belarus lamang ang nakagawa.
Gayunman, ang kaibahan ay hindi kilala si Eala sa dumalo sa kumpetisyon bilang wild card habang sina Henin at Azarenka ay nabigyan ng wild card spot sa bisa ng pagiging dating world No. 1 na manlalaro.
Ang inaasahang pagtaas ni Eala sa world rankings ay magkakaroon din ng pagbabago sa pinakamataas na player sa Southeast Asia. Una nang naungusan si Eala nitong nakaraang buwan ni Mananchaya Sawangkaew ng Thailand bilang pinakamataas na ranggo sa Southeast Asian sa mundo.
Gayunman opisyal na tatalunin ng Filipina ang Thai world No. 110 sa Lunes, Marso 31 sa inaasahang pagtaas nito sa world No. 75 mula sa 140 na silya at ginagarantiyahan din ang national team member na si ni Eala sa isang puwesto sa main draw ng 2025 French Open simula sa Mayo 25.
Magiging malaking tulong ito para kay Eala, na hindi nakapasok sa Grand Slams noong 2024 matapos mahulog sa huling round ng qualifiers para sa French Open, Wimbledon, at US Open.
Ang mga susunod na buwan ay magiging kritikal sa pagbuo sa 2022 US Open girls champion at kaliwete na si Eala.
Posibleng hindi na ito maglaro sa lower level na ITF events, at ang susunod na malaking torneo na abot-tanaw ay ang WTA 1000 Madrid Open.
Ang posibilidad na magkaroon siya ng lugar sa main draw ay mula sa kanyang bagong career-high na ranking o mula sa isang wild card na imbitasyon.
Si Eala ay isang wild card noong 2024 Madrid Open at siya ay nagwagi sa kanyang opening-round laban sa world No. 41 na si Lesia Tsurenko ng Ukraine noon.
Bago ang Miami Open, si Tsurenko ang pinakamataas na manlalarong natalo ni Eala, Sa oras na iyon, ang ikalawang round ng Madrid Open din ang pinakamalayong napuntahan ni Eala sa isang WTA event.
Sa pagitan ng Miami Open at Madrid Open, mayroong apat na linggong window ng mga kaganapan sa WTA Challenger sa kalendaryo kung saan inaasahan na makakasama si Eala sa ilan sa mga kumpetisyon.
(Lianne Encarnacion)