KILALANIN | LOLA SA PANGASINAN NAGDIWANG NG IKA-100 TAONG KAARAWAN
San Carlos City,Pangasinan | Si FELICIANA BAUTISTA o kilala bilang Nanay PELING, ay nagdiwang ang ika-isang daang taong kaarawan noong April 1, 2025.
Kasama ng kaniyang mga anak at mga apo, gayun din ang mga kaibigan at malalapit na kamag anak, ay nagtipon, nagkasiyahan at nagdiwang para sa isangdaan taong kaarawan ni nanay Peling na ginanap dito sa Barangay Baldog, San Carlos City, Pangasinan.
Ayon sa kay kuya Bobot Bautista, anak na lalaki ni nanay Peling, ay maingat sa mga pagkain si lola, karaniwan na kinakain nito ay mga gulay na walang ibang pampalasa kundi asin lamang. Bagaman mahina na ang pandinig ni lola at matalas pa din ang memorya nito katunayan ay kilala pa nya ang kanyang mga anak at isa pang ipinagpapasalamat nila ay malakas pa si lola at nakakayanan pang tumayo ng bahagya.
Ayon naman kay Tita Erlinda Bautista o tita Ely, ay ipinagpapasalamat nilang magkakaptid sa Diyos na inabot ni lola Peling ang ganung edad. Nagpasalamat din siya sa mga dumalo at nakisaya sa selebrasyon ng kapanganganakan ni lola Peling.
Nakigalak ang RoadNews-Pangasinan kay Nanay Peling sa pagdiriwan nito ng kanyang Centenial Birthday Celebration. Happy 100th Birthday Po!
Mababatid na sa RA 11982 EXPANDED CENTENARIAN ACT OF 2016, ay mabibigay ng karangalan, benipisyo at pribilehiyo ang mga buhay na Senior Citizens na aabot ng 100 taong gulang, bukod sa parangal ay makakatanggap din sila ng 100,000Php Centenarian Gift mula sa ating gobyerno sa pamamagitan ng DSWS Centenarian Program.
Pabatid – Mahalaga na marehistro ang mga Senior Cetizen sa OSCA o Office of Senior Citizens Affairs, upang makatanggap ng mga benepisyong galing sa gobyerno, at mahalaga rin ang pagkain ng gulay gaya ni lola Peling.
Naguulat para sa RoadNews – Edizon Cancino




