Alicia Alonzo, animo’y mongha na
KUNG saan-saan na humahayon at humahantong ang mga artista natin ngayon.
Matapos pumanaw ang Superstar na si Nora Aunor at ilan pang beterano at beteranang bituin, kabilang ang kasasakabilang-buhay lang na si Ricky Davao, nangibang-bayan naman ang Fil-Briton filmmaker na si Jowee Morel sa United Kingdom at si Alicia Alonzo naman ay nagpakalayu-layo sa magulong daigdig sa loob at labas ng showbiz.
Nasa loob na ng Cariana Monastery sa Magalang, Pampanga si Alicia at masaya na siya roon.
Sa panayam sa kanya ng peryodistang si Julius Babao, sinabi ni Alonzo na ayaw na niya sa labas ng monasteryo.
“Mas gusto ko rito. Hindi ko na hinahanap ang labas,” pahayag ni Alice na nakangiti.
Matagal na siya anya sa Cariana at namumuhay na siyang parang mongha.
Katunayan, bago yumao si Lito Legaspi, siya ang nagdala sa aktor sa Cariana dahil may hinahanap anya si Lito sa kanyang ispiritwal na buhay.
Si Alicia, Germelina Viana Hernandez sa tunay na buhay, ay naging asawa ng pumanaw na ringaktor na si Ross Rival at mqy dalawa silang anak, kabilang ang namayapa na ring teen idol na si Jon Hernandez.
Sa kasalukuyan, maligayang-maligaya si Alicia sa pagiging relihiyosa.
(Boy Villasanta)

