BACK-TO-BACK NA HOUSE-TO-HOUSE NI NOGRALES SA 2 BARANGAY NG MONTALBAN DINUMOG

DINUMOG ng mga residente ng dalawang barangay sa Montalban, Rizal ang ginawang “back-to- back house-to-house (B2B, H2H)” visit ni Congressman Fidel Nograles noong Abril 26 at 28, 2025.

   Dakong alas-3 ng hapon nagsimula ang house-to-house (h2h) visit ni Cong. Nograles sa Southville 8B Elementary School Brgy. San Isidro, Montalban noong Abril 26, 2025; bandang alas-5 ng hapon naman sinimulan ang h2h visit sa P. Rodriguez St., Brgy. San Rafael ng nasabi ring bayan.

   Ang house-to-house visit ni Nograles sa Brgy. San Isidro ay sinabayan ng libung katao mula sa mga sektor ng kabataan, senior citizens, mga estudyante at mga nagmo-motor at four wheels vehicles.

   Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga residente na kinakamayan at nagpapakuha ng litrato sa bawat dinadaanan ni Congressman Nograles.

   Sa bawat nakakausap ni Nograles na mga residente ay tinitiyak nila ang suporta ng kanilang buong pamilya sa kongresista sa darating na May 12 elections.

   Sa panayam ng taga-media kay Sherly San Diego, 55-anyos, residente ng Brgy. San Isidro, ipinagsigawan niya na kaya siya sumama sa house-to-house visit ng kongresista dahil masaya at naniniwala siya na walang kapares ang serbisyong Nograles.

   Ayon pa sa ginang, maging nu’ng panahon ng pandemya ng COVID19 ay hindi sila pinabayaan sa pamamagitan ng ayuda at mga gamot mula kay Congressman Nograles.

   Sinabi pa niya, na matulungin sa lahat ng bagay si Congressman Nograles at habang ini-interview ng taga-media si Ginang Sherly ay sabay-sabay kasama ng iba pa silang nagsigawan ng “Ikaw Parin, Ikaw Parin, Ikaw Parin Nograles.”

   Dinagsa rin ng maraming residente ng Montalban ang isinagawang pag-bahay-bahay ni Congressman Nograles sa Barangay San Rafael nu’ng nakaraang Abril 28.

   Hindi rin magkanda-ugaga sa pakikipagkamay at pagpapakuha ng litrato ang batang mambabatas ng Montalban sa mga residente ng nasabing barangay.

   Habang isinasagawa ang back-to-back house-to-house visit ni Nograles sa dalawang barangay ay laging tinatangkang guluhin at isabotahe ang kanyang mga aktibidad na pinaniniwalaang mula sa katunggali ng kongresista.

   Sa katunayan, habang nagbahay-bahay ang grupo ni Nograles sa Brgy. San Rafael ay pitong beses na umikot ang sasakyan ni Tom Hernandez na may malakas na musika ng campaign jingle nito kung saan isinasagawa ang house-to-house visit ng batang kongresista. 

   Sa bawat pananalita ni Nograles sa harapan ng Montalbeño ay lagi niyang sinasabi na ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ay nagmula sa  mga senior citizen, kabataan, people’s with disablity (PWD) at single parents.

   Dahil dito anya, ipaglalaban niya ang lahat ng mga residente ng Montalban sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda, kabuhayan, trabaho, scholarship at medikal na pangangailangan.

   Ayon pa Kongresista na chairman ng Committee on Labor sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na masaya siya kapag nakikita niya na ang kababayan na masaya rin.

(Darwell Baldos)