Pamilya ni Hajji Alejandro, tinitira sa di pagsipot ni Alynna sa lamay ng singer
NA-CREMATE na’t lahat ang mang-aawit na si Hajji Alejandro, pero patuloy ang pagbugso ng mga intriga, kontrobersya at alingasngas sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya, mahal man siya o hindi.
Maaaring may mga taong ginagamit lang siya.
Ito ay may kaugnayan sa hindi pagsipot ni Alynna—ngayon ay dinagdagan na niya ng apelyido ang kanyang screen name, Alynna Velasquez—sa burol ng kanyang kasintahan na orihinal na tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala.
Dahil naman sa may relasyon sina Hajji at Alynna kaya nagnais din ang seksing mang-aawit na masilayan man lang sa huling mga sandali ang mga labi ng kanyang boyfriend.
Ito ay kahit walong araw bago mamatay ang singer nang dahil sa metastatic colon cancer stage 4, ay magkasama naman sa isang di-malilimutang pagkakataon ang dalawa.
Doon ay kumanta at nakinig sila ng mga musikang paborito ni Alejandro at kahit ani Alynna nagdidileryo na ang kanyang katipan ay sinikap pa ring makipagsalo sa mga huling sandali ng mang-aawit.
Ayon kay Alynna, hindi siya pumunta sa burol ni Hajji dahil na rin sa mga bagay na hindi niya kontrolado. “I was unable to go to your wake for reasons I don’t have control of…,” pahayag ng dating miyembro ng The New Minstrels.
Sa Walk of Fame na lang sa Eastwood nagtungo si Velasquez para mag-alay ng mga bulaklak at panalangin sa kanyang minamahal. “But I am glad I am here to pray for you and watch your star shine! I want to thank Eastwood City Walk of Fame for giving you honor today. You truly are a legend and your wonderful music will live on forever. We love you so much,” sabi ni Alynna.
Ito nga ang pinag-ugatan ng mga reaksyon ng mga netizen laban sa pamilya Alejandro. Ang iniisip ng mga netizen ay hindi pinayagan o banned ang seksing singer sa burol kaya pinutakti ng mga kritisismo ang pamilya.
Pero una nang dumipensa si Alynna.
Sinabi ng singer na huwag sisihin ang pamilya ni Hajji dahil wala naman siyang inakusahan. “I didn’t point a finger at anyone. I was ok with it. Rather, I blamed myself and just accepted my fate.
“Over the pleasant and deeply impactful comments from my post, there were harsh pronouncements blown out of proportion. Nanganak na nang nanganak (The issues generated so much). Comment section became a debate box,” sabi pa ni Alynna sa kanyang espasyong pang-social media kaya nanawagan siya sa mga netizens.
“Dear friends and followers, please don’t attack or blame the family,” wika pa ng singer.
Sinabi niyang iba’t iba ang mga ugali ng mga miyembro ang pamilya Alejandro. “There are some members who respect me and those who hate my existence. It’s just my destiny and predetermined path. And I am also defective at times. For these, I apologize. “My biggest regret is, I let some people interfere with our lives. So many wasted time. Life is just so short. Love the people who love the people you love.”
(Boy Villasanta)
