Kauna-unahang Babaeng Gobernador ng BARMM, Nangunguna sa Survey sa Maguindanao del Sur
MAGUINDANAO DEL SUR — Nangunguna si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa pinakabagong survey para sa pagka-gobernador sa 2025, ayon sa Vox Populi Media. Nakakuha si Gov. Mariam ng 82% voter preference, habang nasa 15% naman si Talayan Mayor Ali Midtimbang, ang pinakamalapit niyang katunggali.
Si Sangki-Mangudadatu ang kauna-unahang babaeng gobernador sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at kasalukuyang namumuno sa Maguindanao del Sur.
Batay din sa parehong survey, 90% ng mga respondent ang nagsabing sila ay kuntento sa kanyang pamumuno, partikular sa mga serbisyong may kinalaman sa kalusugan, seguridad, at kaunlarang lokal.
Sa hiwalay na ulat ng RPMD (Boses ng Bayan), kabilang si Gov. Mariam sa Top 4 Best Performing Governors sa bansa. Lumalabas din sa datos ng Bangsamoro Online Polls na umaabot sa 91% ang voter preference niya sa rehiyon.
Wala pang pahayag ang kampo ni Mayor Midtimbang ukol sa resulta ng mga survey.
RIT
