Gen Z ang nagdala sa Akbayan at kay Laila de Lima
HINDI lamang mga sektor ang nagdadala sa mga kandidatura ng mga pulitko.
Pati mga henerasyon ay nakikialam at nakikilangkap na sa mga gawaing pulitikal ng sambayanan dahil ang pulitka tulad ng showbiz ay buhay.
Kata nga nanorpresa hindi lamang ang mga millennials kundi pati na rin ang Gen Z sa pagtataguyod nila sa mga napisil nilang magpapalakad ng buhay hindi lang nila kundi ng iba’t ibang henerasyon, bata, matanda, babae, lalaki, tomboy, bakla, may ngipin at wala.
Sa kaso ng mataginting na pagwawagi ng party-list na Akbayan na unang nominee si Chel Diokno at ng Malayang Liberal na kinakatawan ni Laila de Lima, iniulat na ang karamihan sa mga bumoto sa dalawang partidong ito ng party-list kung saan itinataguyod ang hustisya at kapakanan ng mga nasa laylayan ng lipunan, nagpakitang-gilas ang Gen Z at ginising at pinukaw nila ang nahihimbing na isip at puso ng masa at ng panggitnang uri ng lipunan at maging ng nasa ituktok ng tatsulok para makapag-ambag ng pagbabago kahit laging nand’yan ang banta ng kadiliman at kaitiman ng buto.
(Boy Villasanta)

