Pamumuhunan sa Cryptocurrency… 5 Katao Arestado ng PNP-ACG

NOONG nakaraang Mayo 13, 2025, bandang 5:20 ng hapon, sa San Carlos City, Pangasinan, isinagawa ng pinagsamang operatiba ng PNP ACG-Cyber Response Unit (CRU) at Pangasinan Provincial Cyber Response Team (Pangasinan PCRT), kasama ang Security and Exchange Commission (SEC), ang isang entrapment operation na humantong sa pag-aresto sa lima katao dahil sa pag-aalok ng cryptocurrency investment scheme nang walang kaukulang permit.

     Ang mga suspek ay nahaharap sa kaso sa paglabag sa mga Seksyon 8.1, 26.3, at 28 ng RA No. 8799 (The Security Regulation Code) kaugnay ng Seksyon 6 ng RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

    “Ang mga pamumuhunan sa cryptocurrency ay napapailalim sa mga umiiral na batas, at ang mga lumalabag ay makakaharap ng malaking parusa, kabilang ang pagkakakulong. Hinihimok namin ang publiko na mag-ulat ng anumang kahina-hinala o hindi awtorisadong aktibidad sa cryptocurrency sa pinakamalapit na tanggapan ng ACG,” ani Brigadier General Bernard R. Yang, Acting Director ng PNP ACG.

     Ang cryptocurrency ay may mga regulasyon at batas na dapat sundin at ang mga hindi sumusunod ay mahaharap sa kaukulang kaso at pagkakakulong.

(Edizon Cancino)