Pananatili ni Bonoan sa DPWH kinuwestiyon ni Kiko sa anomalya sa flood control projects
Ni Ernie Reyes

Kinuwestiyon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pananatili ni Secretary Manuel Bonoan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kabila ng multi-bilyong anomalya sa pagtatayo ng flood control projects sa buong bansa.
Sa ginanap na pagdinig ng Senado hinggil sa maanomalayng flooc control projects, sinabi ni Pangilinan na dapat ipaliwanag ni Bonoan kung bakit hindi pa siya nagbibitiw sa tungkulin.
Ayon kay Pangilinan, maraming ghost at palpak na proyekto ang natuklasan simula pa noong Hulyo na binanggit pa ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address at nagpahayag ng imbestigasyon. Naglunsad ng maghiwalay na imbestigasyon ang Senado at Mababang Kapulungan sa isyu.
“Sa ganito katinding trilyong pisong halaga na pagnanakaw sa gobyerno sa ilalim ng public works, ang magiging tanong ko sa Martes sa privileged speech ni Senator Lacson ay, bakit hindi pa nagre-resign yung secretary ng public works?” ani Pangilinan.
Kaugnay nito,idenetalye naman ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech ang kabuuan ang “ modus operandi” sa infrastructure projects sa pagsasabing pinaghahati-hatian ng Department of Public Works and Highways, contractors at ilang miyembro ng Kongreso ang pondo sa anomalya.
“Yun lang po. At naway maisagot sana ng maayos. Kung hindi man ni Senator Lacson, baka dapat yung secretary of public works ang sumagot,” aniya.
Inihayag na ni dating Public Works Secretary Rogelio Singson na nakatanggap siya ng feeler mula sa Malacañang na pinababalik siya sa puwesto na una nitong hinawakan sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
“Definitely, may feelers. The President and I go a long way when he was still a governor and then he became a senator,” Singson told ANC’s Headstart, adding however, that the possibility of him taking it is “farfetched”” aniya.
