Anu na ba ang kinabukasan ng bansa natin, meron pa ba?
ON THE SPOT ni ED TAN
MUKHANG hindi na tinatablan ng hiya ang nakaupo. Sa ibang bansa pag ayaw na ng tao sa leader kusa nang umaalis o bumababa.
Sa kasalukuyang administration mukhang manhid na sa panawagan ng tao bakit kaya ayaw bumaba, meron bang minahan sa Malacañang? Tila kapit na kapit kung talagang para sa tao ang kanilang paglilingkod dapat magkusa na silang bumaba kung meron pang delikadesa natitira sa balat ng mukha nila.
Hindi pa ba sapat ang nakulimbat ng mga kawatan sa gobyerno pati latak eh sisisipsipsin pa.
Hindi ba sila naaawa sa mga buhay na winasak nila dahil sa kahirapan sanhi ng kanilang pagnanakaw sa kaban ng yaman ng taong bayan.
Nararapat pa ba tayo magbayad ng buwis kung nanakwin lang ng mga kawatan na taga gobyerno.
Cguro naman eh kadala dala na itong ginagawa ng mga magnanakaw sa gobyerno satin na maaring matuto na tayo sa darating na eleksyon.
Meron pa ba tayo mukhang ihaharap sa taga ibang bansa, kung ang ating bansa ay pinamumunuan ng adik na presidente proud ka ba pa?
Ikaw anong reaksyon mo pinoy?
