Operator ng Illegal na Dumpsite Panagutin

BOSS HB

ENVIRONMENT CORNER ni Boss HB

Pakinggan Niyo Kami, DENR! Panagutin Ang Mga Opisyal Na Nagpapatakbo Ng Ilegal Na Dumpsite!

Nakakagalit na ang katotohanan.

Sa bayan Ng Subic,Zambales may isang malaking ilegal na dumpsite na kitang-kita sa video na ito: https://www.facebook.com/share/r/1MvHwDoYZD/

Lantaran itong nagpapakita ng mga basura, kemikal, at kung anu-ano pang kalat na direktang pumapatay sa kalikasan at kalusugan.

Pero bakit ito patuloy na umiiral? Simple lang: pinapayagan ng mga lokal na opisyal.

Sa sobrang kapabayaan o kaya naman ay katiwalian, hinahayaan nilang malason ang lupa at tubig at mahingahan ng masamang usok. Parang wala silang pakialam.

Kaya ito ay isang direktang panawagan sa DENR, DILG, at NBI:

1. Imbestigahan niyo ito, ngayon din! Hanapin ninyo ang mga opisyal na sangkot at may kapabayaan.

2. Ipasara at linisin ito nang husto. Dapat sagutin nila ang gastos.

3. Panagutin ang mga responsable. Dapat may managot sa hukuman.

Huwag ninyong pabayaan ang mamamayan Ng Subic, Zambales. Ang video na ‘yan ay ebidensya. Huwag n’yo itong balewalain. GARAPALAN na ito.

Aksyunan niyo ito. Ngayon na.