Taguig Lakeshore Carnival binuksan na sa publiko

0

ni Buboi Patriarca

BINUKSAN na sa publiko ang Taguig Lakeshore Carnival matapos ang pagpapailaw sa buong parke at higanteng Christmas Tree Sabado ng gabi.

“Ang tema ng parkeng ito ay pag-ibig ngunit natatangi dahil para ito sa kabataan,” pahayag ni Taguig Mayor Lani Cayetano matapos ang makulay na pagbubukas ng parke na sinabayan ng fireworks display.

“Truly I tell you, unless you change and become like little children, you will never enter the kingdom of heaven,” pagbabahagi ni Cayetano na kanyang hinalaw sa isang bersikulo sa bibliya mula sa Matthew 18:3.

Binigyang diin din ng alkalde na ginawa ang naturang parke upang libreng pasyalan ng bawat Taguigeno at maging ng mga nagnanais na dumayo sa kanilang probinsiyudad.

Naniniwala naman si Senator Alan Peter Cayetano na ang pagbubukas ng parke na sinalubong ng pagbuhos ng ulan ay patunay na pagkakaroon ng mas marami pang pagpapala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *