TOP 3 MOST WANTED SA MUNISIPYO NG STA BARBARA, ARESTADO SA MANHUNT OPERATION
PRESS RELEASE
NAARESTO ng pinagsanib na pwersa ng Sta Barbara Police Station at Calasiao Municipal Police Station sa direktang pangangasiwa ni PLTCOL MICHAEL S DATUIN, Hepe ng Sta Barbara ang isang indibidwal na tinuturing na 𝙏𝙤𝙥 3 𝙈𝙤𝙨𝙩 𝙒𝙖𝙣𝙩𝙚𝙙 𝙋𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣𝙨 (𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙇𝙚𝙫𝙚𝙡) sa isinagawang manhunt operation dakong 5:10 PM noong Disyembre 10, 2025 sa Sitio Balani, Brgy. Ambonao, Calasiao, Pangasinan.
Ang operasyon ay naisagawa sa bisa ng mga Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 76, Dagupan City, para sa mga sumusunod na kaso:
• Paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Criminal Case
No. 2024-0622-D) na may rekomendadong piyansang
₱200,000
• Paglabag sa Section 12, Article II ng RA 9165 (Criminal Case
No. 2024-0623-D) na may rekomendadong piyansang ₱40,000
• Illegal Possession, Manufacture, Acquisition of Firearms,
Ammunition or Explosives (Section 3 of PD 1866 as amended
by RA 8291 and RA 9516) (Criminal Case No. 2024-0624-D) na
may rekomendadong piyansang ₱200,000
Ang nasabing indibidwal ay nakalista rin sa Manhunt Charlie sa ilalim ng control number SBPSI 2025-12-10-02.
Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at siya ay dinala sa Mapandan Community Hospital para sa kinakailangang medikal na pagsusuri bago pansamantalang ikinustodiya sa istasyon ng pulisya.
Patuloy na pinaigting ng kapulisan ang kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
#PRO1RegionalDirector #PoliceRegionalOffice1Official #PDPangasinanPPO #pangasinanpoliceprovincialoffice #BagongPilipinas #PhilippineNationalPolice

