NAGPUTOL NG KAWAD NG KURYENTE SA POSTE, TIMBOG!

Ni Iza Aldana

MARIKINA CITY | Lalaking walang trabaho, huli sa aktong pagnanakaw sa Kalumpang.  Arestado ang isang 29-anyos na lalaki matapos maaktuhang pumuputol at nagnanakaw ng kable ng kuryente mula sa isang poste ng pamahalaang lungsod, madaling-araw ng Pebrero 9, 2026.

Kinilala ang suspek alyas Roger (hindi totoong pangalan), residente ng Brgy. Malanday at walang trabaho.

Ayon sa reklamo ni Romeo Daleon Jr., officer-in-charge ng Electrical Division ng Marikina City Engineering Office, namataan ng mga nagpapatrolyang pulis at barangay tanod ang suspek habang pinuputol ang nakakabit na electric wire sa poste sa kanto ng MH Del Pilar at Katipunan Street, Brgy. Kalumpang, bandang 5:30 AM.

Agad itong nilapitan at naaresto ng mga operatiba.

Mga Narekober:

Isang cutting pliers

Tinatayang 2 kilo ng kable ng kuryente

Pinaniniwalaang ibebenta sana ang mga ito.

Dinala ang suspek sa pagamutan para sa medical check-up bago ikinulong sa Marikina City Police Station custodial facility.

Nahaharap siya ngayon sa kasong Theft (Article 308) at sasailalim sa inquest proceedings sa piskalya.

🚨 Babala ng pulisya:

Patuloy ang pagbabantay laban sa mga nagnanakaw ng pampublikong kagamitan dahil peligroso at perwisyo ito sa komunidad.