UNLOCKING POTENTIALS: Paano Hinuhubog ng COLEGIO ANUNCIATA ang mga Pag-Asa ng Bayan?

0

“LIBRE ang mangarap, ngunit magastos ang pag-abot nito”, ‘yan ang sabi ng ilan.

Batid kong marami ang nagtataas ang kilay sa dahilan ng patuloy na pagtaas ng matrikula, ngunit hindi naman humuhusay ang paraan at sistema ng pagtuturo. Halika’t huwag ka munang tumigil magbasa, sapagkat may ikuk’wento ako sa ’yong isang nakatagong ginto sa ngalan ng Colegio Anunciata.

Colegio Anunciata, itinatag ng mga Dominikanong madre na nagmula pa sa España, ay isang paaralan na matatagpuan sa Barangay Talang, San Carlos City, Pangasinan.

 Isang institusyong pinagtibay ng relihiyon, akademya, at pagmamahal.

Sa Colegio Anunciata, ang kaalaman at paghubog ng kabataan, ay hindi lamang natatapos sa loob ng mga silid-aralan. Maraming mga programa’t aktibidad na talaga namang pagtitibayin pa ang kapasidad ng mga mag-aaral hindi lamang sa teorya. Nitong nakaraang Enero 2025, ay ginanap sa kanilang campus ang isang pagtuturo at paghubog sa mga mag-aaral na interesado sa Robotics at Robotics Engineering, nang magpunta ang RoboRAVE International sa Pilipinas nitong taon lamang.

Higit sa mga may kinalaman sa akademya’t pag-aaral, ay nagkakaroon din ng mga extra-curricular activities ang bawat mag-aaral. Sa katunayan, katatapos lamang na isagawa ang isang pagtitipon na tinawag nilang Faith Camp. Sa programang ito’y nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na makipagsaya; matutunan ang kahalagahan ng pagsasabuhay at pagsasapuso ng mga salita ng Diyos; makipagkilala’t makipagkaibigan sa mga kapwa nila mag-aaral; at makisabay sa kasiyahang pina-iigting ng pananampalataya sa Diyos.

Higit pang nakatutuwa ay sa kabila ng mga programa’t mahuhusay na guro ng paaralan ay ang matrikulang higit doble ang baba kung ikukumpara sa ibang mga pribadong paaralan. Higit pa rito’y marami ring discounts ang naghihintay sa bawat mag-aaral na nagnananais na maging parte ng CA Family.

Ang Colegio Anunciata rin ay isang partner ng Private Education Assistance Committee ng Department of Education, kaya makasisigurong ang bawat mag-aaral sa high school ay makatatanggap ng Education Service Contracting or mas kilala sa tawag na ESC.

 Ang kagandahan nito’y dahil sa baba ng matrikulang kailangang bayaran upang makapag-aral sa Colegio Anunciata, dahil sa ipagkakaloob na ESC scholarship subsidy ay wala nang babayarang matrikula ang mga mag-aaral na papasok bilang Grade 7.

Kamakailan  lamang, ay opisyal na naging parte ng Catholic Educational Association of the Philippines, ang Colegio Anunciata. Ang CEAP ay ang organisasyong kumikilala sa mga Catholic schools sa buong Pilipinas. Ang kanilang opisyal na pagkakasali sa organisasyon ay marka ng mas malawak at mas malawig pang pagbibigay ng akademikong gabay at pagpapatibay ng pananampalataya.Ang paaralang nag-ugat sa pananampalataya, at sumasabay sa inobasyon.

Ang Colegio Anunciata ay hindi lamang isang pribadong paaralan, isa itong institusyong may mataas na pagpapahalaga sa pananampalataya at pamamaraan ng pagtuturo. Sa pamamagitan ng Colegio Anunciata, hindi lamang ang akademikong kaalaman ang pinahahalagahan, kundi pati na rin ang karakter at espiritwal na paglago ng bawat mag-aaral.

HINDI DAPAT MAHAL ANG PAG-ABOT SA PANGARAP. SA COLEGIO ANUNCIATA, ISANG ABOT-KAYANG BAGONG BUKAS PARA SA MAALWANG KINABUKASAN NG PILIPINAS ANG NAGHIHINTAY!

Michael Alberto F. Rosario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *