PBBM Naginspeksyon sa CALAX Governor’s Drive Interchange

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang inspeksiyon sa CALAX Governor’s Drive Interchange sa Silang, Cavite. Kasama ni PBBM sina Sec Manuel Bonoan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Sec Vince Dizon ng Department of Transportation (DOTr), Chairman Manuel V Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) at Jose Ma K Lim President and CEO ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).

Ang inspeksiyon ay naglalayong masuri ang pag-unlad ng proyektong Cavite-Laguna Expressway (CALAX), partikular ang 8.64-kilong Subsection 3, na kinabibilangan ng Governor’s Drive Interchange.

Sa kasalukuyan, ang subsection na ito ay 44% nang kumpleto, ay nagpapakita ng kabuuang 68% na pag-unlad ng 44.58-kilong expressway.

Kapag natapos na, ang Subsection 3 ay magiging ang pinakamahabang operational segment ng CALAX, na magkakaroon ng koneksyon sa Silang (Aguinaldo) Interchange.

Ang proyekto ay naglalayong mabawasan ang trapiko sa mga pangunahing ruta sa Cavite.

Ang DPWH ay nakumpleto na ang sa pagkuha ng RROW o Road Right Of Way sa Laguna Segment at nagpapatuloy sa pagkuha ng RROW para sa Cavite Segment, na kasalukuyang nasa 90.71%.

Ang kabuuang 17.4 km segment ay nakumpleto na at fully operational na, kasama ang apat na interchanges at isang toll barrier sa Laguna at Cavite.

Ang CALAX ay kasalukuyang nagkakaroon ng pang-araw-araw na trapiko na umaabot sa 45,000 na sasakyan, at inaasahang tataas ito sa 90,000 kapag natapos na ang natitirang mga segments.

Kasama rin sa inspeksyon sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, DPWH Undersecretary Maria Catalina E. Cabral, DPWH Public-Private Partnership (PPP) Service Director Pelita V. Galvez, Cavite Governor Althea Tolentino, Cavite 6th District Representative Antonio A. Ferrer, General Trias Mayor Luis Jon-Jon A. Ferrer IV, and Metro Pacific Tollways South Officer-in-Charge Elnora D. Rumawak.

Tito Lucas para sa RoadNews