PANGASINAN PNP MATAGUMPAY NA NAGSAGAWA NG MANHUNT OPERATION SA VILLASIS

Ni Edizon Cancino

PRESS RELEASE

Noong ika-27 ng Disyembre 2025, bandang alas-9:40 ng gabi, nagsagawa ng pinagsanib na manhunt operation ang Sta. Barbara Municipal Police Station (bilang lead unit) sa direktang pangangasiwa ni PLTCOL MICHAEL S DATUIN, Hepe ng nasabing istasyon, kasama ang mga tauhan ng Villasis Police Station at Asingan Police Station sa Brgy. Puelay, Villasis, Pangasinan.

Sa naturang operasyon, naaresto ang isang indibidwal na may nakabinbing Bench Warrant of Arrest mula sa First Judicial Region, Municipal Trial Court, Sta. Barbara, Pangasinan, kaugnay sa kasong Theft (RPC Art. 308) sa ilalim ng Criminal Case No. 5667. Ang warrant ay may kaukulang rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php 3,000.00. Ang nasabing indibidwal ay nakalista sa Manhunt Charlie na may control number SBPSI 2025-12-27-05.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto. Siya ay dinala sa Mapandan Community Hospital, Mapandan, Pangasinan para sa kinakailangang medikal na pagsusuri bago pansamantalang ilagay sa kustodiya ng pulisya.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga himpilan ng pulisya sa Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan at katahimikan ng komunidad.

#PRO1RegionalDirector #PoliceRegionalOffice1Official #PDPangasinanPPO #pangasinanpoliceprovincialoffice #BagongPilipinas #PhilippineNationalPolice